s

Tuesday, October 26, 2004

Sem-Ender

Heto na ang mga pangyayari noong gabi ng Oktubre 23. Para sa mga negang hindi um-attend, at sa mga interesado na rin. Read on:

1. Dumating ako sa Robinson’s Place Manila para i-meet si Ria, Jen, Edgar at Nestor. As usual, ako ang nauna. Internet muna sa Netopia. Tapos baba sa tapat ng Ice Monster pagka-text ni Edgar. Antagal ko na palang hindi nakita si Jen. Kumustahan. Dumating si Nestor a few minutes later, nagmamaganda dahil may bagong iPod na binili sa Japan. Aaaargh.

2. Umalis na kami sa meeting place at dumiretso ng Gonuts Donuts dahil di pa raw nanananghalian si Edgar. Keri. Bilang mga nagtitipid, tig-iisang doughnut lamang. Ang sarap ng choco-hazelnut ba yun. Lumabas na kami ng Rob Place at nakasalubong si Riang naglalakad mag-isa. Diretso sa bahay nina Edgar sa Astral Towers. May kalayuan pala. (Di man lang sumagi sa isip kong mas mahaba pa ang lalakarin mamaya.)

3. Pagdating sa bahay, andun na si Herb. Small talk, konting lala. Napagdesisyunang bumili ng lechong manok at magsaing. Lumayas ang iba, natira akong nagra-Ragnarok, at si Ria at Herb na nag-uusap tungkol sa med frats. I respect the opinions of others, but I really am against the whole idea of having physical pain inflicted on me. Kahit anupaman ang bungang maganda.

4. Swimming sa rooftop ng condo. May nakasalubong kaming Scary Girl in Pink. Ang hitad, nagja-jackstone mag-isa sa landing between 19th floor and rooftop. Nakalugay ang buhok a la Sadako of Ring fame. Freaky nang sobra. Anyway, diretso sa pool. Napakalamig ng tubig. Anlakas pa ng hangin. Nagkunwari akong magaling mag-backstroke kaya hayun, pumasok ang pool water sa tenga at sumakit ang ulo ko. Maya-maya pa, bumaba na kami sa unit nina Edgar.

5. Nahiga ako at uminom ng Medicol na bigay ni Edgar. Luto-luto sila dun sa kusina, ako tamad-tamaran at nakahilata. Nagdatingan na ang iba: Lani, Vane, BJ, Hender. Si Lani nakita ko mga one week ago nung nagt-training kami sa RITM. Si Vane, nakikita-kita ko around UP pag tinatakasan ang boss niyang kapatid ni Dean Azanza. Si Hender at BJ, di ko na maalala kung kelan ko huling nakita. Naka-tube na puti si Hender. Haba na ng buhok. Mamayang konti, lala na ang lahat. Si BJ nagpa-sweet at hindi kumain.

6. Pagkakain, dumating si Mary Ann na nakapalda, ehehehe. Binati ng lahat ang porma ng lola mo. Fatale na kwentuhan ang sumunod. Ang mga naknampucha, nagrereklamo dahil sa mga trabaho nila. “Pagkakaltas ng tax, P10000 na lang ang inuuwi ko... Huhuhu...,” reklamo ni May. “Ako naman, di pa appointed! Puro cash advance lang... Huhuhu...,” iyak ni Edgar. “Matatapos na contract ko sa Novermber, at di pa ko nakakaaral for subject GRE... Huhuhu...,” sambit naman ni Lani. Mga peste kayong lahat. Kami nga ni K-Ann, inaapi na’t kalahati lang ang sweldo, bungisngisan pa rin! Buela, turuan nga natin ang mga ito ng positive thinking.

7. Ininit ni Nestor ang sakeng mahal. Yelllccch, amoy suka. Tinikman ko, lasang beer na mainit. Ayoko na. Hindi talaga ako mahilig sa alcoholic drinks. Nangangati pa ang paa at ulo ko after. Sarap na sarap si Hender. Maya-maya pa ay sinukat na nito ang isusuot sa Malate mamaya. Isang kapiranggot na telang pula na may manipis na armholes. Malaswa. Maganda. Mabenta. Napag-usapan rin ang kahuli-hulihang kontrobersiya sa block. Nakakalito—sino ang salarin? Haka-haka ang mga tao. Di nila alam, ang nag-send talaga ng e-mail ay si Dang Ching. Miss niya na kayong lahat. (Dang, kung binabasa mo ‘to, asan ka na???)

Bukas na ang ikalawang bahagi. Boring na masyado.

Ang sarap palang magsulat sa Tagalog. Parang pinupurga ang lahat ng kapekean mo sa buhay.

Off-topic: Dinrowing-an ako ni Eloise nung isang araw ng Pisces sign sa inner wrist nung pare-pareho kaming walang magawa. Ganda di ba?