1996 - 2006
Akda ni Jayson, na kung minsan ay Guiller rin. Salamat, salamat, salamat.
Medida
Para kina A, B, G at F, mga tapat na kaibigan, sa sampung taon ng ating plastikan (hehehe)
ang totoo, mga kaibigan ko,
ang mga pangarap nati’y di hinuhuling parang tutubi
hindi ito dadapo sa mga ligaw na damo
hindi ito mahahabol ng maliliksing daliri.
batid natin ito.
ngayon pa lamang, dapat matutunan na natin ito:
ang kasaysayan natin ay hindi bubuin ng mga araw at kaganapan
hindi tayo ipagpapatayo ng mga rebulto’t monumento,
wala tayong hinihintay na manunubos, di tulad sa mga nanampalataya,
na darating na parang magnanakaw sa gabi.
ang totoo, ang eksaktong lugar/panahon na kaya nating lingunin,
ang panandang-bato kung saan natin, mula rito, susukatin ang ating narating,
ang siya ring eksaktong puntong nagbubuklod sa atin
ang totoo, mga kaibigan ko,
sa pagitan ng mga huntahan at kwentuhan natin ay mga buntung-hininga—
na bagamat walang titik ay may di nasusukat na pantig na tigib ng kahulugan
<< Home