They Walk By Night... Sshhh
To continue:
8. Maya-maya pa, sinundo na si Lani ng driver nila at sinundo na si May ni Allan. Hmph, mga killjoy! Naligo na at nagprepare for a night out.
9. Lumabas na kami ng condo unit nina Edgar and Herb (dun din pala nakatira si RJ, at si Jaypee Cruz na kaklase ko nung elementary). Amazing, pero nagkasya kaming lahat sa iisang elevator. Lakad-lakad along Taft Avenue. Si Hender gustong mag-taxi kasi malayo raw kung lalakarin. Sabi ni BJ di naman kalayuan at wala pa rin namang specific na pupuntahan kaya tuloy lang ang paglakad sa dilim. Napakabaho talaga ng Maynila.
10. Habang naglalakad ay napagdesisyunang dumiretso sa Baywalk. Agree ang lahat. Di ko na matandaan lahat nung mga kalyeng dinaanan namin pero sure ako na nagawi kami sa Pedro Gil. Pagkatapos ng mga approximately trenta minutong paglakad, narating rin namin ang Baywalk. Madaming places kung saan pwedeng uminom at makinig sa mga banda. Lakad na naman ang drama namin habang namimili kung saan kami magchi-“chill” (bwahahahaha). Mukhang pare-pareho lang ang mga bar na andun pero walang nagsasabi kung saan nila gusto. (Sa mga blockmates kong di naka-attend: walang pagbabago sa decision-making skills ng M8 pag magkakasama. Alam niyo na, pag tinanong ang isa, ang usual na sagot ay: “kahit ano... kayo?” kaya walang nararating.) Anyway, pagdating namin sa isang spot, nagpaalam sina BJ at Hender dahil may booking raw sila. Babay. Naiwan ang mga kawawang blockmates sa gitna ng Roxas Boulevard.
11. Mga ilang minuto rin kaming idle at nakatanga lang. Sinuggest namin ni Ria na maghanap ng coffee shop na bukas pa. Meron raw sa banda roon, sabay turo sa direksiyon ng Pan-Pacific Hotel. Alam niyo na kung anong ginawa naming sunod: naglakad. Walang humpay na lakaran ang nangyari. Habang naghahanap kami ay bubulong-bulong si Edgar sa sarili niya (not very unusual for him to do). Nung sinubukan niyang ipaliwanag kung bakit siya nane-nega, hindi ko ma-gets kaya oo na lang ako. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa “Malate.” (Sa’n ba exactly ang Malate? Kalito.) Merong Starbucks na bukas, yessss! At, surprise, surprise, katabi niya ang Malate Pensionne, kung sa’n nagpunta sina BJ at Hender.
12. Dahil nagyo-yosi kami ni Edgar, dun muna kami naupo sa benches sa labas ng Starbucks. May katabi kaming dalawang babaeng nagdadaldalan. Heto ang arrangement namin sa bench:
Edgar Ako Girl 1 Girl 2
Suddenly, may tinuro si Edgar na bagay na nakapatong sa bench sa gitna ko at ni Girl 1. Lumingon ako. Condom! So ngayon:
Edgar Ako unopened condom Girl 1 Girl 2
Tapos, pinuntahan kami ni Vane. Gusto ko siyang asarin, kaya tinuro ko ang condom, sabay: “Vane, ano ‘to?” Eto ang freaky: humarap sa ‘kin si Girl 1 at sabi: “Ay, akin ‘yan...” Nag-sorry ako. Buti na lang madilim, kasi kung hindi makikita nilang kasing pula ako ng kamatis. Pinipigil ni Edgar ang pagtawa. Sabi pa niya, baka raw puta yung mga katabi namin, at nilagay ang condom dun intentionally. Tiningnan ko ang mga babae, mukha namang sosy. I inch away from them just in case. Maya-maya, umupo na kaming lahat sa isang table sa labas ng Starbucks.
13. Nagkape at kumain. Sobrang tuyot ng ensaymadang binili ko. Kung anu-anong pinag-usapan. Strangely enough, tungkol sa mga tao sa Albert Hall. Hiniram ko yung iPod ni Nestor at paulit-ulit na pinakinggan ang Burnout ng Sugarfree. Dumating sina Hender at BJ galing kung saan, parehong mukhang lasing. Si Edgar at BJ, nakatulog habang nakaupo. Si Hender, inuubos ang memory ng phone ko kaka-picture. Meron pang nag-suggest na panoorin ang sunrise sa bay, pero marami na’ng inaantok, kasama ko. Tinanong ko si Ria kung anong oras na—4:30. Maya-maya ay naglakad na kami pauwi. Pagbagsak ko sa kama ay nasiguro kong babangon lang ako pag may araw na. Ang mga iba ay kumain pa ng sardinas. Sa kanila niyo na lang itanong kung anong pinag-usapan nila.
14. Gumising kami ng mga 7:30. Nakaalis na by then sina Herb, Jen, Vane at Ria. Swimming ulit ang mga natira. Tinuruan kami ni Hender kung paano ang tamang paraan ng paglangoy, kahit di naman siya kagalingan talaga. Umahon kami at tiningan ang Maynila mula sa rooftop. Nothing special. Bumaba na kami, naligo, nananghalian sa McDo, at umuwi. Pagdating ko sa bahay, more tulog. The end.
Sorry friends kung masyadong mahaba.
Asan na ang mga taong ito? Di ko alam kung nagbabasa sila ng blog ko. Post naman kayo sa chatterbox ko:
Milay
May
Grace
Mardan
Leonard
etc.